BAGUIO CITY – Kinumpirma ni Department of Agriculture Secretary William na tataas na ang suggested retail prices (SRPs) sa mga pork products.

Sinabi ni Dar na linagdaan nito ang Administrative Circular No. 14 para sa SRP sa mga karne ng baboy.

Aniya, ang SRP ng “kasim” pork ay magiging P260 bawat kilo mula sa dating P230 bawat kilo habang ang “liempo” ay P280 bawat kilo mula sa dating P240 bawat kilo.

Aniya, agad ipapatupad ang bagong SRP sa mga pork products.

Una rito ay umugong ang balitang tumaas na ang presyo ng karne ng baboy sa Metro Manila dahil sa epekto ng African Swine Fever.

Nagtungo si Secretary Dar sa lalawigan ng Benguet para sa inagurasyon ng 11 kilometers farm-to-market road sa bayan ng Atok na ginastusan ng P220-million.