Hindi na bago kaya hindi na nagtaka si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa nangyaring pagpapalit ng pwesto House of Representatives.
Ang tinutukoy dito ng Chief Executive ang pagpalit sa pwesto bilang deputy speaker na lamang ni Representative Gloria Macapagal Arroyo mula sa dating Senior Deputy Speaker.
Ang hinalal at pumalit sa pwesto ni Arroyo ay si Representative Aurelio Gonzales Jr.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Pagudpod, Ilocos Norte sinabi nito na normal lamang ang nangyayaring reorganization sa Kamara, batid niya ito dahil matagal tagal din siya sa kongreso at sadyang nangyayari talaga ito.
Ito ay maliban sa prerogative ng lider ng kongreso at kung sino sa tingin nito ang mas gusto niyang ilagay sa pwesto.
Ang pag-alis sa pwesto kay dating Pangulo Arroyo ay bahagi lamang ng reorganization.
Sinabi ng Pangulo, hindi dapat ito bigyan pa ng malisya o ng espekulasyon dahil normal lamang ito.
” Well these things, if youve been in govt long enough, you’ll have seen many of these. In my time as congressmen, I had two terms as congrressman, nakatatlo yata kami na ganyan e. And this is just part of the reoganization and the speaker it;s his prerogative as to how he feels the house should be organzie. Nangyayari talaga yan,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.