-- Advertisements --

Hinamon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Health Secretary Teodoro Herbosa na magbitiw sa puwesto kung magagawa niyang tapusin ang cost analysis ng 160 hospitals sa loob ng isang linggo.

Kumasa naman si Herbosa sa hamon no Cayetano.

Sa budget deliberations ng panukalang pondo ng DOH para sa 2026, sinuspinde ang rules upang direktang makapagtanong ang senador sa kalihim.

Binatikos ni Cayetano si Herbosa dahil sa luma at hindi makatarungang PhilHealth case rates, na pitong taon nang hindi naa-update.

Dahil dito, aniya, nalilito ang mga pasyente sa usapin ng hospital billing kahit pa laging inia-anunsyo ng DOH na “zero billing,” na hindi naman tunay na zero dahil marami pa ring kailangang bayaran.

Ipinaliwanag naman ni Herbosa na zero billing lamang para sa indigent patients sa basic o charity wards, at natural na may babayaran pa rin ang nasa pay o private wards, kahit tumaas umano ang case rates sa ilan sa mga karaniwang sakit.

Dahil sa tindi ng bangayan nina Cayetano at Herbosa, sinuspinde ang deliberasyon sa DOH budget at itutuloy muli mamayang hapon.