-- Advertisements --
Aabot sa 13 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa mga hilera ng mga high-rise building sa Hong Kong.
Nangyari ang sunog sa 10 mga high-rise apartment buildings apartment compex sa Tai Po district.
Sinasabing nagsimula ang apoy sa Wang Fuk Court apartment complex dakong pasado alas-3 ng hapon kung saan nakatira ang halos 5,00 na residente.
Kabilang sa nasawi ang isang 37-anyos na bumbero kung saan aabot na sa mahigit 700 na mga bumbero ang nagtulong-tulong para maapula ang apoy.
Mayroon namang 28 katao ang sugatan sa insidente na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.
Patuloy ang ginagawang pag-apula mga bumbero kung aan pito sa walong gusali ang nasunog.
















