-- Advertisements --

Ibinahagi ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang kopya ng kanyang liham sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) bilang tugon sa alegasyon ni dating Rep. Elizaldy Co.

Sa naturang liham, iginiit ni Marcos na wala siyang itinatago at handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersyal na proyekto.

Aniya, bukas siyang magbigay-linaw sa komisyon at makiisa sa kanilang pagsusuri upang maprotektahan ang integridad ng Kongreso.

Matatandaang si Co ay kabilang sa mga personalidad na nag-ugnay sa ilang mambabatas sa umano’y “ghost projects” sa flood-control at iba pang infrastructure programs.

Ang ICI ay binuo upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga anomalya sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaan.

Dagdag ni Marcos, ang kanyang pagharap ay patunay ng kanyang paninindigan sa transparency at pananagutan bilang opisyal ng gobyerno.

Nakatakdang ipagpatuloy ng ICI ang serye ng pagdinig kung saan inaasahang ipapatawag si Marcos at iba pang nabanggit na personalidad upang magbigay ng kanilang panig.