-- Advertisements --

Aabot na sa 36 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa apartment complex sa Hong Kong.

Ayon kay Hong Kong’s Chief Executive John Lee , na hindi pa nila tuluyang naapula ang sunog.

Mayroong 279 na katao pa ang pinaghahanap na maaaring na-trap sa mga gusali.

Dinala naman sa pagamutan ang 29 katao kasama ang pitong iba pa na nasa kritikal ang kalagayan.

Pinalikas naman ng mga otoridad ang mga nakatira sa Wang Fuk Court sa Tai Po kung saan nangyayari ang sunog.

Lahat ng walong towers na mayroong 31 storeys ay mayroong 2,000 residential units.

Sinasabing nagsimula ang sunog dakong alas-3 ng hapon hanggang mabilis na ito kumalat.