Naghain ng urgent motion para manatili sa Pasig City Jail si convicted human trafficker Alice Guo.
Matapos kasi ang paglabas ng hatol na life imprisonment kay Guo kung saan inatasan na ililipat siya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Sa isang pahinang oder na inilabas ni Judge Annielyn Medes-Cabelis ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 na itinakda ang pagdinig sa mosyon ni Guo sa Nobyembre 26.
Nangangahulugan nito na mananatili si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory habang hindi pa nareresolba ang mosyon nito.
Magugunitang hinatulang makulong ng habambuhay ang dating Bamban, Tarlac Mayor at tatlong iba matapos na mapatunayang guilty sa qualified human trafficking in persons at organizing human trafficking sa Baofu compound.
Habang ang mga Chinese nationals na sina Wang Weili, Wuli Dong, Nong Ding Chang at Lang Xu Po ay nahatulan ng acts of trafficking na may hatol na life imprisonment.
Pinagbabayad din sila ng korte ng tig P2-milyon bawat kaso.
Magugunitang ni-raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police ang Philippine offshore gaming operator (POGO) Zun Yuan Technology sa Baofu compound na matatagpuan sa Tarlac noong nakaraang taon.















