KALIBO Aklan — Naghain ng resolution ang Makabayan Bloc ukol sa pahayag ni dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co ag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Atty. Rene Co, layunin ng nasabing resolution ay upang itulak ang Kamara na seryosong imbestigahan ang alegasyon ng dalawa dahil ang kanilang pahayag ay corroboration na parehong itinuturo sa Malakanyang ang responsibilidad sa mga insertion na nagkakahalaga ng P100 bilyon.
Dagdag pa nito na pumunta rin sila sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para hamunin ang mga ito na imbestigahan rin ang mga accounts ni Co at Bernardo.
Samantala, binigyang-diin ni Atty. Co na ang Makabayan Bloc ay may malinaw na paninindigan ukol sa usaping budget kung saan patuloy nilang kinikilatis at tinututulan ang mga maanomalyang paglalagay ng hindi nararapat na pondo sa iba’t ibang ahensya.















