-- Advertisements --

Naniniwala si Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa pamamagitan ng pagpapabilis sa mga “Build, Build, Build” infrastructure program ang magpapabawi sa humihinang demand at supply sa domestic economy dahil sa global coronavirus crisis.

Sinabi ni Sec. Dominguez, kapag nakalikha ng mga trabaho, magpapasipa ito sa ekonomiya ng bansa at lalakas ang lokal na konsumo dahil kikita ang mamamayan at may magagamit ng pera.

Ayon kay Sec. Dominguez, ang pagbabalik ng kontruksyon sa mga “Build, Build, Build” projects lalo sa mga rural areas ay siyangpinakamainam na paraan para buhayin ang ekonomiya dahil sa high multiplier effect ng infrastructure spending gaya ng pagpapataas ng kita, pagpapalakas ng demand at paglikha ng mga bagong trabaho at negosyo.

Inihayag pa ni Sec. Dominguez na maliban sa pagbuhay sa ekonomiya, aayusin din ng “Build, Build, Build” program ang mahinang infrastructure and logistics network ng bansa na nagdulot ng pagkalugi ng mga investors sa kanilang production at operational costs.

“The main problem of our economy now, as (Acting Socioeconomic Planning Secretary) Karl (Kendrik Chua) mentioned earlier, is liquidity because people have not worked. They have no cash and are therefore, illiquid. And when you have no cash, you don’t buy things. And when you don’t buy things, people don’t manufacture these things. So it’s a vicious circle,” ani Sec. Dominguez.