VIGAN CITY – Hinihintay pa ang resulta ng laboratory test ni National Tobacco Administration (NTA) Administrator Dr. Robert “Banting” Lizardo Seares upang matukoy ang tunay ikinamatay nito.

Sa edad na 76 ay pumanaw ang dating Bangued, Abra mayor, habang ito ay nagpapagaling sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City na dati ng may iniindang sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay NTA Director Teofilo Quintal, pinaniniwalaan niyang cardiac arrest ang ikinamatay nito at madalas pa itong hinihika.

Noong March 12 ay nagtungo pa si Seares sa trabaho niya ngunit noong March 13 ay sumama na ang kaniyang pakiramdam kaya ito na-admit sa ospital.

Gayunman, hindi maapektuhan ang operasyon ng NTA Central Office dahil naka-lockdown na ang lugar subalit puwede paring mabigyang ng accreditation ang mga private tobacco farmer na makapag-transport ng tobacco.

Magiging katuwang ng mga ito ang Department of Agriculture.