Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang nakahandang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan sa malawakang pag-ulan na dulot ng bagyong Auring na tuluyan ding nalusaw.
Ayon sa DA Disaster Risk Reduction Management Operations Center, naka-preposisyon ang sapat na agricultural inputs na maaaring ipamahagi sa mga magsasakang matutukoy na maaaring apektado.
Una na ring pinayuhan ng ahensiya ang mga magsasaka at mangingisda na magsagawa ng early harvest kapwa sa mga pananim at mga palaisdaan kung kinakailangan, bago pa man ang mga inaasahang pag-ulan na dulot ng bagyo.
Ayon sa DA DRRM Opearations Center, magpapatuloy ang gagawin nitong pag-monitor sa sitwasyon ng mga mangingisda at magsasaka, sa kabila ng tuluyan ding paghina ng bagyong Auring at patuloy nitong paglabas sa Philippine Area of Responsibility.
Nakabantay din ang naturang opisina sa sitwasyon ng mga malalaking dam sa bansa sa gitna ng malawakang pag-ulan.