-- Advertisements --
Umaasa ang Department of Trade and Industry (DTI) na luluwagan na ng gobyerno ang COVID-19 quarantine status ng Metro Manila.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na ang nasabing hakbang ay para makabawi ang ekonomiya ng bansa.
Ikinokonsidera nila ang pagpapaluwag matapos na hindi na gaano tumataas ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Karamihan aniya ng mga Filipino ay mahigpit na rin sinusunod ang mga ipinapatupad na health protocols.
Magugunitang mula noong Agosto 2020 ay nasa general community quarantine ang Metro Manila.
Dahil dito ay nalulugi ang bansa ng P2 billion kada araw.