-- Advertisements --

Naging matagumpay ang ginawang pagpasyal sa kalawakan ng bilyonaryong negosyanteng si Richard Branson.

Naabot kasi ng kaniyang Virgin Galactic rocket ship ang dulo ng kalawakan sa ginawang makasaysayang biyahe mula sa Spaceport America.

https://twitter.com/richardbranson/status/1414289206717865984

Nakaranas si Branson at kaniyang crew ng hanggang apat na minutong paglutang bago ang kaniyang rocket ay dahan-dahang lumapag sa runway landing.

Bahagyang naantala ng 90 minuto ang biyahe dahil sa sama ng panahon.

Niyakap at binati ng mga kaanak at kaibigan si Branson matapos na ito ay lumapag sa lupa.

Itinuturing na isang “magical” ang pangyayari at nakita niya ang bunga ng 17 taon na pinaghirapan para mabuo ang sasakyang pangkalawakan.

Bukod kay Branson ay mayroong dalawang piloto ito at tatlong mission specialist na nagdala sa kanila sa taas ng mahigit walong milya lulan ng VMS Eve na ipinangalan sa ina ni Branson.