Naghain ng mosyon si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang manatili sa female dormitory ng Pasig City Jail at hindi muna mailipat sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
Si Guo at pitong iba pa ay hinatulang guilty ng Pasig RTC Branch 167 noong Nobyembre 20 sa kasong qualified human trafficking.
Pinatawan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo, multang ₱2 milyon bawat kaso, at pagbabayad ng danyos sa mga biktima.
Ang kaso ay kaugnay sa operasyon ng isang illegal POGO hub sa Bamban, Tarlac na nadiskubre sa raid ng mga awtoridad noong 2024.
Si Guo ay naging sentro ng kontrobersya matapos akusahan ng pekeng pagkakakilanlan at umano’y koneksyon sa Chinese syndicates.
Itinakda ng korte ang pagdinig sa mosyon sa Nobyembre 26 upang pagdesisyunan ang kanyang kalagayan sa kulungan.
Ang desisyon ng Ombudsman at ng hukuman ay inaasahang magiging mahalaga sa pagtukoy ng susunod na hakbang sa kaso ni Guo.
















