-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Roma ang pagkulay berde ng tubig sa sikat na Grand Canal.

Sinabi ni Veneto regional president Luca Zaia na nagpatawag na inatasan na niya ang nasabing kapulisan para imbestigahan ang pagkulay berde ng nasabing tubig.

Isang uri umano ng phosphorescent green liquid ang tila humalo sa tubig ng Grand Canal.

Agad silang kumuha ng water samples para malaman kung anong uri ng kemikal ang humalo dito.

Kanila na ring nire-review ang mga CCTV survellance tape at tinanong na ang mga local na gondoller pilots at boat drivers.

Inakusahan naman ni City councilman Andrea Pegoraro ang mga environmental activist na umaatake sa mga Italian cultural heritage sites.

Tinutukoy nito ang Ultima Generazione na siyang nagbuhos ng mga uling sa Trevi Fountain sa Roma noong nakaraang mga araw.