-- Advertisements --
Hindi maiwasan ni Vatican pro-prefect of the Dicastery for Evangelization Luis Antonio Cardinal Tagle na malungkot at batikusin ang mga nagaganap kurapsyon sa flood control projects.
Sinabi nito na nagiging dagat na ang Metro Manila kahit na kaunting ulan dahil sa kapabayaan ng mga tao.
Dagdag pa nito na kapag nagsama ang kurapsyon at kasuwapangan ay tiyak na masisira ang kabuhayan at ang maghihirap ay ang mga tao.
Nasa Pilipinas si Tagle para sa pormal na declaration bilang National Shrine ang Our Lady of Aranzazu sa Rizal.
Magugunitang itinalaga siya ni Pope Leo XIV bilang bagong titular bishop ng Albano na pinamunuan ng Santo Papa bago ito mahalal.