Malaki umano ang epekto ng takot kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kapansin-pansin na pagbaba ng bilang ng mga firecracker injuries sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon ito kay Health Sec. Paulyn Ubial sa pagsasabi na takot na ang mga Pilipino na gumamit pa ng mga paputok sa bagong taon dahil kay Pangulong Duterte.

Dahil daw dito, nakamit ngayon ng Pilipinas ang pinakamababang bilang ng mga firecracker injuries sa loob ng 10 taon.

Ito raw ay matapos ding makailang ulit na sabihin ni Pangulong Duterte ang ban sa mga paputok na sinimulan pa raw niya noon siya ay alkalde pa lamang ng lungsod ng Davao.

Sinabi ni Ubial na sa tanging 350 katao lamang ang naging biktima ng mga paputok kumpara sa 10-year average na 1,000.