Nasunog ang isang oil tanker habang ito ay nakadaong sa Jeddah, Saudi Arabia.

Wala namang naitang nasawi at nasugatan sa pagkasunog ng Singapore-flagged BW Rhines.

Base sa inisyal na imbestigasyon na mula umano sa tumagas na langis ang sanhi ng nasabing sunog.

Mabilis na naapula ng mga crew ang nasabing sunog na ang tanging nasira lamang ay ang ilang karga ng nasabing tanker.

Mula pa noong Disyembre 12 ay nakadaong na ang nasabing oil tanker.