Pinaghahandaan na ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), Philippine Consulate General at ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia ang inaasahang pagdagsa ng mga Filipino pilgrim ngayong taon.
Ngayong buwan (May) ay inaasahang tutungo na papuntag Saudi ang mga pilgrim para sa panibagong serye ng holy pilgrimage.
Ayon sa NCMF, target nitong mabigyan muli ng maayos, ligtas, at komportableng paglalakbay ang mga Pilipinong makikibahagi sa pilgrimage, lalo na ang pagbibigay sa kanila ng sapat na accommodation Makkah at Madinah, dalawang lugar na pangunahing magsisilbing tutuluyan ng mga Pinoy pilgrim.
Giit ng komisyon, mahigpit ang ginagawa nitong koordinasyon sa Hajj service providers at upang maging maayos ang serbisyong ipagkakaloob sa mga pilgrim.
Sa panig ng konsulada at embahada ng Pilipinas sa Saudi, siniguro ng mga ito ang nakahandaang consular support para sa mga Filipino pilgrim habang sila ay nasa Saudi Arabia at ginagampanan ang kanilang religious obligation.
Ayon sa NCMF, naging maganda ang feedback ng mga Filipino pilgrim at nais muli nitong maulit ang kalidad na pilgrimage experience ng mga Muslim.
Batay sa inisyal na schedule, inaasahang magsisimula sa June 4 hanggang June 9, 2025 ang Hajj pilgrimaje sa Saudi. Gayonpaman, dedepende pa rin ito sa moon sighting, salig sa pananampalatayang Islam.