Nakatakdang isara ng US ang halos 30 na mga embahada at konsolada sa iba’t-ibang bang mga bansa.
Layon nito ay ang gagawing pagbabago sa kanilang diplomatic presence sa ibang bansa.
Ayon sa Internal State Department, na inirekomenda nila ang pagbawas ng US diplomatic missions sa Somalia at Iraq.
Ilan sa mga inirekomendang isara ay ang 10 embahada at 17 konsulada kung saan karamihan sa mga dito ay mula sa Europa at Africa.
Ilan sa mga embahada ay mula sa Malta, Luxembourg, Lesotho, the Republic of Congo, the Central African Republic at South Sudan.
Habang ang mga konsulada ay sa France, dalawa sa Germany, dalawa sa Bosnia at Herzegovina, isa sa United Kingdom, isa sa South Africa at isa sa South Korea.
Ipinapaubaya na lamang ni State Department Spokesperson Tammy Bruce kay US President Donald Trump ang pagpapasya kung itutuloy ang nasabing hakbang.