GENERAL SANTOS CITY – Malaking kawalan sa pangkat ng New Peoples Army ang pagkapatay ng limang high ranking official at pagkasamsam ng matataas na kalibre ng baril pati mga war materials matapos ang encounter.

Ito ang naging pahayag ni Major General Juvymax Uy, Commander ng 6ID sa pagkapatay ng mag-asawang Romeo Libron at asawa nitong si Merly kasama si Rogelio Magsaya alias Macoy at Megan sa kanilang hideout sa Sitio Kibang, Barangay Ned Lake Seb, South Cotabato.

Huhulihin sana ng mga otoridad ang mga ito sa kasong Murder at iba pa subalit nanlaban na nagresulta sa pagkamatay ng 5 NPA member.

Narekober ang dalawang IED, at mga component pati ang blasting cap, M16 rifle, carbine rifle, cal 45 pistol, cal 40 glock pistol at mga subersibong dokomento.

Dagdag ni Uy na si Libron ang lider ng Regional Ordnance of Southern Mindanao Regional Command (SMRC),