CAGAYAN DE ORO CITY – Napansin ng ilang mga Overseas Filipino Workers sa bansang Thailand na ginamit ng mga Thai nationals na sandata ang pagiging disiplinado upang makamit ang mababang bilang ng mga namatay sa COVID-19.

Sinabi ni Jevah Realse, Bombo International news correspondent sa Thailand, sumusunod ang mga tao sa mga hakbang na ginagawa ng kanilang gobyerno upang labanan ang coronavirus.

Ayon kay Realse, sa mahigit tatlong libong tinamaan ng naturang virus, 56 lamang ang mga namatay at nasa mahigit 2,000 naman ang mga nakarekober.