Kinumpirma ng Brazil federal health regulator Anvisa na kanilang sinuspinde ang paggamit ng nasa mahigit 12 million doses ng COVID-19 vaccine na gawa mula sa China’s Sinovac Biotech Ltd na ginawa sa isang unauthorized plant.
Sa statement na inilabas ng Anvisa, inalerto nuong Biyernes ng Sao Paulo’s Butantan institute, isang biomedical center na nakipartner sa Sinovac para tapusin ang mga inorder na bakuna na nasa 12.1 million doses na ipinadala sa Brazil na ginawa sa ibang planta.
“The manufacturing unit was not inspected and was not approved by Anvisa in the authorization of emergency use of the mentioned vaccine.The ban was “a precautionary measure to avoid exposing the population to possible imminent risk,” pahayag ng Brazil health regulator.
Inabisuhan din ng Butantan sa Anvisa na nasa kabuuang 9 million doses ang ginawa sa nasabing planta at ngayon ay patungo na sa Brazil.
Sa loob ng 90-day ban, nakatakdang inspeksyunin ng Anvisa ang naturang planta kung saan ginawa ang naturang Sinovac vaccine at alamin ang seguridad at ang manufacturing process nito.
Magugunita na ang karamihan sa mga sa COVID-19 vaccine na ginamit ng Brazil sa kanilang vaccine ay Sionvac.
Ang Brazil ay nakapagtala ng 21,804 new coronavirus cases, at 692 COVID-19 deaths.