-- Advertisements --

Isinagawa ng Manila Regional Trial Court Branch 12 ang pre-trial sa tatlong criminal case ni former Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ito ay may kinalaman sa dalawang bilang ng kasong pagpatay at isang bilang ng illegal possession of firearms.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves , dumalo ang kanyang kliyente sa pre-trial sa pamamagitan ng video teleconference.

Hiniling rin ng kanilang kampo na ibalik ang mga witnesses para makapagsagawa sila ng -cross-examine.

Sinabi pa ni Topacio na itinakda ng korte ang hearing sa mga main cases ni Teves hanggang 2026.

Itinakda naman ang hearing sa ibang mga kaso ay itinakda sa August 4 ng taong ito.

Kaugnay nito ay nilinaw nila na hindi nila pinapabagal ang takbo ng trabaho at sa halip ay gusto na nila itong matapos kaagad.