-- Advertisements --
Nagdiwang ng Kapaskuhan sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon ang Bethlehem.
Tinungo ng maraming tao ang pinailawang Christmas Tree sa Manger Square na nakalagay sa harap ng Church of Nativity sa Bethlehem.
Natigil kasi ang nasabing pagdiriwan ng mahigit dalawang taon matapos ang pagsiklab ng kaguluhan dahil sa pinaigting na pag-atake ng Israel.
Ang Bethlehem kasi ay isang bayan ng Palestino sa timog bahagi ng Jerusalem na isang pangunahing pilgrimage destination ng mga Kristiyano.
Pinangunahan naman ni Cardinal Pierbattista Pizzaballa ang misa para sa mga mananampalatayang Kristiyano.
Itinuturing na ang nasabing pagbabalik ng kasiyahan sa Bethlehem ay isang magandang senyales mula ng ilunsad ng US ang ceasefire deal.
















