-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Patuloy na naaantala ang mga pagdinig sa kasong kinakaharap ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nahaharap si Bikoy sa kasong cyber libel kasunod ng video series nito na “Ang Totoong Narcolist” na laman ang mga akusasyon sa mga malalaking tao na iniuugnay sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Joseph Advincula, nakababatang kapatid ni Bikoy, kahapon nang magtungo sila sa korte sa lungsod ng Legazpi para sa arraignment ng kasong isinampa ng resort owner at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co na isa sa mga nasabit sa kontrobersyal na video.

Ayon kay Joseph, noong Mayo pa sana ang arraignment subalit ipinagpapaliban dahil sa pandemic at hindi pa matukoy kung kailan ito matutuloy.

Kaugnay nito, inihayag pa ni Joseph na humingi na rin ng tawad si Bikoy sa kampo ni Co subalit nanindigan ang kabilang panig sa pagpursige ng kaso.

-- Advertisement --