Malabo umanong i-monitor pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdinig ng Senado bukas, Pebrero 24, patungkol sa franchise renewal application ng ABS-CBN.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential spokesperon Salvador Panelo na masyadong maraming trabaho ang Pangulo bukas at hindi rin interesado sa hearing.
Ang simula ng pagdinig sa naturang usapin ay dalawang linggo matapos na maghain ng “quo warranto petition” sa Korte Suprema si Solicitor General para hilingin ang pagbawi sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa umano’y foreign ownership dito.
Muli namang binigyan diin ni Panelo ang nauna nang pahayag ng Malacanang na wala silang kinalaman sa paghahain ng Office of the Solicitor General ng quo warranto petition.
Dagdag pa nito, hindi manghihimasok ang Palasyo sa mga hakbang na ginagawa ng Senado lalo pa’t nagdesisyon ang liderato ng Mataas na Kapulungan na huwag magdaos ng sesyon bukas para bigyan daan ang franchise renewal hearing.