-- Advertisements --

Natuloy ang unang public event ng ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. (PBBM) sa kabila ng masamang lagay ng panahon sa Central Luzon.

Dito ay siniguro ni President Marcos na isa sa kanyang magiging prayoridad ay ang pagtutok sa pagpapaangat pa ng kapabilidad ng Philippine Airforce (PAF).

Ginawa ang pangulo ang pahayag sa kanyang speech sa ika 75 anibersaryo ng PAF sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa chief executive, very critical ang tungkulin ng pangulo para sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa, paglaban sa local communist group at mga extremist.

Maging ang pagsasagawa ng humanitarian assistance at relief operation sa panahon ng kalamidad.

Kaya mahalaga na mapaangat ang kapabilidad ng Philippine Air Force partikular ang pagkakaron ng mas transport aircraft at helicopter.

Samantala, Pinuri rin ng Pangulo ang mga tauhan ng Philippine Airforce dahil sa patuloy na pagtupag nang kanilang tungkulin kaya nagiging mas makabuluhan ang selebrasyon nang kanilang anibersaryo ngayong araw.