Nananawagan si Batangas Representative Leandro Legarda Leviste sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpatupad ng balasahan sa district office ng ahensiya sa Batangas.
Ito’y kasunod ng tangkang panunuhol ni dating Batangas District Engineer na si Engr. Abelardo Calalo sa mambatatas.
Sinabi ni Leviste, ang kaniyang panwagan ay para malinis ang opisina ng mga tiwaling opisyal at kawani.
Sa ngayon mayruon ng isinasagawang evaluation para duon sa mga opisyal at empleyado ng district engineer office na sangkot sa mga maanomalyang proyekto partikular sa mga flood control projects.
Sa kabilang dako, wala ng balak si Leviste na talakayin pa ang isyu sa Infra Comm lalo at mayruon ng sinampahang kaso laban kay Engr. Calalo.
Tiniyak ni Leviste na kaniyang pakakatutukan ang nasabing kaso at managot ang dapat managot.
Nanindigan si Leviste sa kaniyang posisyon na tinangka siyang suhulan ni Calalo.
Ito’y kasunod ng pagtanggi ni Calalo na sinuhulan nito ang Kongressista.