-- Advertisements --

Nakatakdang magsumite si Senate Blue Ribbon Committee Vice Chairperson Sen. Erwin Tulfo ng isang resolusyon na naglalayon na busisiin at reviewhin ang Republic Act 4566 o mas kilala bilang Contractor’s License Law na siyang binuo ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) bilang licensing body para sa mga contruction contractors.

Ayon sa senador, layon ng gagawing review na alamin kung kinakailangan ba ng batas na sumailalim sa isang pagbabago at kung kailangan itong amyendahan partikular na sa mga probisyong nakapaloob dito.

Aniya, hindi niya maisip kung pano naipasa ang naturang batas lalo na kung malinaw namang pansariling interes lamang ang nilalaman ng mga probisyon sa ilalim nito.

Sa ilalim kasi ng RA 4566, ang tanging maaaring maging bahagi lamang ng PCAB Board of Directors ay ang mga contractors na nasa ilalim na ng mga proyekto ng pamahalaan.

Maituturing din aniya na isang ‘conflict of interest’ ang nagyayari sa loob ng board lalo na kung sila mismo ang miyembro at contractors ng mga proyektong sinisilip ngayon ng senado.

Binigyang diin ni Tulfo na oras na para sumailalim sa isang reporma ang PCAB law dahil hindi na nito nagagampanan pa ang dapat sanang trabaho nito na protektahan ang publiko mula sa korapsyon.

Samantala, ngayong Lunes naman inasahan na isususmite ni Tulfo ang resolusyon bilang bahagi pa rin ng pagsilip ng senado sa mga maanomalyang flood-control projects sa bansa.