-- Advertisements --

Libu-libong bar examinees ang maagang nagtungo sa 14 na lokal na testing centers sa buong bansa para sa unang araw ng 2025 Bar Examinations, na isisasagawa ng tatlong araw (Setyembre 7, 10, at 14).

Ayon sa Korte Suprema, isinagawa ang bar exams nang sabay-sabay sa iba’t ibang testing centers upang gawing mas accessible at maayos ang proseso.

Sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila, isa sa mga testing centers, nagsidating ang mga examinee pasado alas-5 ng umaga at sinalubong ng suporta mula sa kanilang pamilya’t kaibigan.

Sa datos ng Korte Suprema na ibinahagi ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Exams, 86.7% ng 13,193 admitted examinees ang dumalo sa unang araw ng pagsusulit.