-- Advertisements --

Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naitalang pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila nitong Sabado, Setyembre 6, 2025.

Ayon sa MMDA, partikular na binaha ang ilang bahagi ng Taft Avenue sa Maynila, habang sa Southern Metro Manila, naapektuhan ang Parañaque City.

Sa Parañaque, naitala ang baha sa Dr. A. Santos Avenue, malapit sa Parañaque National High School.

Samantala, sa Dr. A. Santos Avenue corner Canaynay Avenue, sa Barangay San Dionisio, nagkaroon ng overflow mula sa Villanueva Creek na nagdulot ng bahang gutter-deep.

Gayunpaman, passable pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang naturang kalsada.

Makalipas ang ilang oras, kusa rin itong humupa.

Ayon sa ulat, ang sanhi ng baha ay ang malakas at biglaang buhos ng ulan na dala ng isang localized thunderstorm.