-- Advertisements --

Magandang pagkakataon umano ang World Economic Forum para maiparating sa buong mundo na handa na ang Pilipinas sa mas malawak na pamumuhunan.

Sa isang event na may kaugnayan sa biyahe ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Switzerland, tinukoy ni DFA Usec. Carlos Sorreta ang aktibidad bilang nangungunang forum para sa world at busines leaders.

Ayon kay Sorreta, makatutulong ang pakikibahagi ng Pangulo dito para sa patuloy na pagbangon ng bansa lalo’t nananatiling mataas ang projections sa economic growth hindi lang sa Pilipinas kundi sa ASEAN region.

Paliwanag ni Sorreta, ipi-prisinta ni Pang. Marcos sa Davos na ang Pilipinas ay maaaring maging kasangkapan sa paglago ng ASEAN at Asya dahil malaking potensyal ng ekonomiya ng bansa, habang ang buong rehiyon ay magdadala ng kaunlaran sa iba pang panig ng mundo.

Sabi ng opisyal, pangungunahan ng Pangulo ang economic team at business leaders na ilatag ang economic performance ng bansa sa international CEOs.

Makikibahagi rin anya ito sa high-level dialogue session kasama ang mga presidente ng South Africa, prime minister ng Belgium, presidente ng European Commission at iba pang lalahok na mga lider.