-- Advertisements --

Humihirit ang Department of Transportation (DOTr) ng hanggang P2- bilyon sa susunod na taon para sa mapanatili ang active transport projects at magkaroon ng long-term ng bike lanes.

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor na hihingi sila sa Kongreso ng nasabing halaga para sa 2026 National Expenditure Program.

Una kasing humihingi ang active transport sector ng P69.38-M.

Naniniwala ang opisyal na maaprubahan ito ng mambabatas.

Maraming mga bike lanes ang plano ng DOTr na itayo at lagyan ng end-of-trip facilities gaya ng shower areas na makakatulong sa mga empleyado na magbisikleta patungo sa kanilang trabaho.