Binigyang diin ng Bureau of Immigration na wala umanong lugar sa bansa ang mga ‘fake pinoys’ nanatili sa loob ng Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kanilang seseguraduhin na maibsan ang pamamalagi at pagpasok ng dayuhan walang sapat at tamang dokumento.
Kung saan ibinahagi nito ang matagumpay na pagkaaresto sa 3 Chinese nationals na nadiskubreng ilegal ang pananatili sa bansa.
Arestado suna Xu Yonglian, Lin Jinxing, Cai Xiji matapos mapag-alaman hindi legal ang pagtatrabaho nila sa isang commercial building sa Davao City.
Isinagawa anila ang pag-aresto sa pangunguna ng Bureau of Immigration Intelligence division sa Mindanao katuwang ang Philippine Army, Air Force of the Philippines, Philippine National Police at intelligence ng gobyerno.
Ang isa sa mga naaresto ay natuklasan nagpapanggap bilang isang Pilipino at gamit pa ang Filipino name sa pakikipagtransaksyon.
Habang ang iba nama’y nahuling nagtatrabaho sa bansa kahit pa hawa lang nama’y ‘tourist visa’.
Dito nakitaan ang mga naarestong dayuhan ng paglabag sa immigration laws ng bansa kaya’t ipinagkakatiwala na raw ni Immigration Comm. Viado ang pagresolba ng korte sa mga kaso.