Matagumpay na naakyat ni American climber Alex Honnold ang skyscraper sa Taiwan ng walang anumang gamit na lubid, harness at mga safety equipment.
Ang gusali na Taipei 101 ay mayroong taas na 1,667 talampakan na gawa sa bakal, salamin at konkreto.
Si Honnold ay nakilala sa unang tao na umakyat sa El Capitan ng walang anumang lubid o safety kung saan ito ay may taas na 3,000 talampakan granite cliff sa Yosemite national park sa California.
Isasagawa sana ang pag-akyat nitong Sabado subalit naging basa ang lugar dahil sa pag-ulan kaya ipinagpaliban nto ng isang araw.
Natapos nito ang pag-akyat ng isang oras at 31 minuto kung saan pagdating nito sa taas ay nag-selfie pa siya.
Binati siya Vice-President Hsiao Bi-khim ng Taiwan kung saan maari siyang magkasakit kung gagawin niya ang pag-akyat.
Una ng naakyat ni Alain Roberts ang Taipei 101 kung saan natapos nito ng apat na oras.














