Tinitignan ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang posibilidad nang muling pagbubukas ng mga salon at barbershops sa mga lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon kamakailan ng demonstrasyon ang mga malalaking barbershops kung paano mapag-iingatan ang kanilang mga customers at kung paano makakatalima sa social distancing.

Ayon kay Sec. Roque, na-impress sa ipinakitang demonstration ng mga barberya at salon sina National Task Force Chief Implementer General Carlito Galvez Jr. at Trade Sec. Ramon Lopez.

Kasunod nito, inihayag ni Roque na posibleng magkaroon ng accreditation sa mga salon at barbershop para sila ay payagan ng makapag-operate.

Ipinaliwanag ni Sec. Roque sa mga darating na araw ay magkakaroon ng pagpupulong ang IATF at isa ito sa kanilang agenda.