-- Advertisements --

BBM2

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang relasyon ng Amerika at Pilipinas sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.

Ayon kay Speaker, patunay din ito sa matagal nang alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang na ang commitment ng US sa pagdepensa sa Pilipinas.

” The visit of US Vice President Kamala Harris is a welcome development as it would serve to reinforce the enduring alliance, partnership, and friendship between the Philippines and the United States,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Kumpiyansa naman si Romualdez na aaraling mabuti ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang ano mang security alliance na papasukin ng dalawang bansa na nakahanay sa foreign policy ng administrasyon.

” I am confident that President Marcos will assess any possible new security arrangements with Washington with our national interest as the paramount consideration and consistent with his foreign policy of being firend to all and enemy to no none,” dagdag pa ni Romualdez.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez na ang bilateral meeting nina Harris at Pang. Bongbong Marcos ay malaking tulong din sa pagsusulong sa AFP modernization program, climate action at energy security, food security at digitalization.

Punto din ni Speaker na bukod sa defense and security cooperation, ang pagbisita sa bansa ng pangalawang pangulo ng Amerika ay magpapaigting pa sa economic and trade partnership ng dalawang bansa.

Siniguro naman ni Speaker Romualdez ang suporta ng Kamara sa implementasyon nitong mutually-beneficial initiatives sa pagmamagitan ng pagpasa ng mga makabuluhang batas.