-- Advertisements --
Malapit ng makumpleto o nasa 99.97% ng tapos ang canvassing o pagbibilang ng mga boto para sa Barangay at SK elections.
Ayon sa Commission on Elections, ang naturang data ay nagmula sa 41,989 mula sa 42,001 barangay sa buong bansa.
Sinabi din ng poll body na ang mga nanalo sa BSKE sa mahigit 41,000 barangay o 99.75% na ang naiproklama.
Ayon sa Comelec, nabayaran na ang 12.96% ng honoraria ng mga nagsilbi sa BSKE subalit mahigit kalahating milyon pa ang nakatakdang makatanggap ng kanilang allowance base sa data noong Oktubre 31.
Una ng sinabi ng poll body na target nilang matapos ang pamamahagi ng honoraria ng mga guro sa araw ng Biyernes, Nobiyembre 3.