-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) ang pagbigay at pag-deny ng rally permits.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang mga LGUs ang magbibigay ng permit at dapat striktong sumunod sa IATF omnibus guidelines lalo na sa mass gathering.

Nilinaw din ng kalihim ang naging report ng Quezon City Police District (QCPD) na hindi nito inaprove ang permit ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para makapagsagawa ng kilos protesta sa may bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City sa Lunes sa huling SONA ni Pang. Rodrigo Duterte President Rodrigo Duterte July 26.

Panawagan naman ni Ano sa publiko na manatili na lamang sa mga kabahayan lalo na at mataas ang banta ng Delta variant ng Covid-19.