-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Football Federation (PFF) na ang lahat ng mga laro para sa FIFA Futsal Women’s World Cup ay gaganapin na sa Pasig City.
Ayon sa PFF, hindi na kasama ang Victorias City, Negros Occidental na maging host city.
Sa isinagawa nilang komprehensibong pag-aaral sa mga logistical at operationl consideration ganun din sa nararanasang sitwasyon ay nagpasya sila na hindi magiging host city ang Negros Occidental.
Nais kasi ng FIFA at ang Local Organizing Committee na mabawasan ang mga lugar ng paggaganapan.
Una kasing napili ang Victorias City Coliseum bilang paggaganapan ng laro subalit ngayon ay sa PhilSport Arena na lamang.
Magsisimula ang torneo mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 7.