-- Advertisements --
Dumalo si Vice President Sara Duterte sa Peñafrancia Festival sa Naga City, Camarines Sur.
Nagtungo muna ang Bise Presidente sa Metropolitan Cathedral bago nakibahagi sa prosesyon.
Nakibahagi rin si Duterte sa tradisyunal na “Pagmamanton” kung saan ipinagdarasal ng mga deboto ang indibidwal na tinatakpan ng mantle o capa na isinuot ng milagrosong imahe ng Our Lady of Peñafrancia.
Bago umalis sa lungsod ay bumisita rin ito sa Porta Maria Museum.