Hindi manghihimasok ang Independent Commission on Infrastructure sa anumang sangay ng gobyerno partikular sa Department of Public Works and Highways(DPWH).
Tugon ito ni Palace Press Officer Usec Claire Castro ng tanungin kung makikialam ba ang ICI sa DPWH matapos hiniling ni DPWH Secretary Vince Dizon ang courtesy resignation ng mga opisyal, distict engineers at mga regional directors from top to bottom.
Ayon kay Usec Castro walang mandato sa ICI na pakialaman ang anumang sangay ng pamahalaan dahil ang komisyon ay isang fact finding body.
Inihayag ni Castro na ang suspension ng mga flood control projects at iba pang proyekto ng DPWH aynaka depende sa magiging resulta sa pagsusuri ni Sec. Vince Dizon habang naghahanap pa ng mga opisyal na ipapalit matapos hingan ang courtesy resignation.
Inatasan na ni Pangulong Ferdinand MArcos Jr ang Independent Commission for Infrastructure na simulan na ang pag iimbestiga sa mga maanomalyang mga flood control projects sa nakalipas na 10 taon.
Hindi naman nagbigay ng timeline ang Palasyo kung kailang matatapos ang imbestigasyon subalit pagtiyak ng Malakanyang sa lalong madaling panahon.
Muling binigyang diin ni USec castro na walang sasantuhin ang gagawing imbestigasyon kahit ito ay kamag-anak, kaibigan, kaalyado.
Sa kabilang dako, welcome naman kay House Infra Comm lead Chairman Rep. Terry Ridon ang pag talaga kina dating sec. rogelio singson at dating SVG Chair Rossana Fajardo bilang miyembro ng three man team ng Independent Commission.
Nirerespeto din ng house panel ang naging desisyon ni PBBM na italaga bilang special adviser si baguio City Mayor Benjamin Magalong.