Idinaan sa Zumba ng ilang ginang mula sa grupong Kadamay ang kanilang protesta at mga hinaing hinggil pa rin sa malawakang korapsyon sa mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa bahagi ng batasan sa Quezon City ngayong umaga.
Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa sa iba pang mga grupo na siyang kumokondena sa mga katiwaliang nangyayari sa mga naturang proyekto.
Ito rin ay kanilang paraan para maipakita ang kanilang pagkadismaya sa pamahalaan para sana sa mga proyektong maasahan at magiging kapaki-pakinabang sana ng mga mamamayang Pilipino partikular na sa mga bahaing lugar.
Samantala, isa naman aniya itong ligtas at malusog na paraan para maiparating sa pamahalaan ang kanilang saloobin ng walang nasasaktan at walang nangyayaring girian.
Kasunod nito ay nagpahayag rin ng pakikiisa ang grupo para naman sa gaganaping malawakang kilos protesta sa susunod na Linggo, Setymebre 21.