-- Advertisements --

Nagtala ng minor explosive eruptions ang bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ito dakong 8:05 nitong gabi ng Biyernes.

Nagbuga ito ng abu na aabot ng hanggagn 2,000 meters mula sa crater ng bulkan bago inihangin patungong northeast.

Nananatiling nasa Alert Level 2 pa rin ang Bulkang Kanlaon na ibig sabihin ay mayroong moderate na aktibidad ito.

Inaasahan na magkakaroon ding biglaang phreatic eruption.

Bilang nasa Alert Level2 ay ipinagbabawal ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan at pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Una rito ay nagbuga na rin ng abu ang bulkan nitong umaga ng Huwebes, Oktubre 23.