-- Advertisements --

Handang tumulong ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para marekober ang tatlong air-assets ni dating Ako Bicol Representatives Zaldy Co.

Ang nasabing mga sasakyang panghimpapawid ay nakaalis palabas ng bansa kahit na mayroon kasalukuyang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni CAAP Director General Raul Del Rosario na ang dinala sa Malaysia at Singapore ang nasabing mga air assets ni Co.

Dagdag pa nito na hinihintay lamang nila ang utos ng Anti-Money Laundering Council para sila ay umalalay at mabawi ang nasabing mga air assets.