Nanawagan ang bagong interim Prime Minister ng Nepal nasi Sushila Karki sa mga mamamayan nito na maging kalmado.
Kasunod ito sa naging marahas na kilos protesta na ikinasawi ng nasa 72 katao at ikinasugat ng ilang daang iba pa.
Dagdag pa nito na dapat ay makinig ang mga opisyal ng gobyerno sa mga kabataan.
Pinalitan ni Karki si KP Sharma Oli na nagbitiw sa puwesto dahil sa patuloy na kaguluhan.
Sinabi pa ng 73-anyos na dating justice chief na mahalaga naman ang hiling ng mga nagpoprotesta at ito ay ang pagtatapos ng kurapsyon, magandang pamamahala at pag-angat ng ekonomiya.
Tiniyak nito na bibigyan ng gobyerno ang mga nasawi sa kilos protesta ng aabot sa $11,300.
Nagsimula ang kilos protesta sa Nepal matapos ang pagbabawal ng gobyerno ng social media.