-- Advertisements --

Wala umanong magiging epekto sa kaso ni Sen. Leila de Lima sa pagbawi ni Kerwin Espinosa sa naging pahayag nito noon laban sa senadora.

Ito ang naging pahayag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento.

Sinabi ni Malcontento, na hindi naman daw testigo si Espinosa sa mga kaso laban kay De Lima.

Una rito, binawi ni Espinosa ang kanyang sinumpaang salaysay laban kay De Lima sa pamamagitan ng counter-affidavit.

Ang sworn statement ay isinagawa sa Senate joint committee hearings kasunod ng pagkamatay ng kanyang amang si dating Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sinabi ni Espinosa na pinagbantaan siya ng mga pulis para maipit ang senadora.

Lahat daw ng kanyang sworn written affidavits ay walang katotohanan at wala rin itong transaksiyon kay De Lima.

Wala raw itong ibinigay na ano mang halaga ng pera noong kalihim pa lang si Sen. Leila ng DoJ.