Nanawagan ang Philippine Nickel Industry Association (PNIA) para sa agarang pagpapalaya sa isa nilang miyembro na inaresto ng Bureau of Immigration sa NAIA 3.
Umalma rin ang grupo sa pagkaka-aresto ng BI kay Joseph Sy, na siya ring Chairman ng Global Ferronickel Holdings, Inc. (FNI).
Ayon sa Philippine Nickel Industry Association , iligal ang pagkulong kay Sy dahil naresolba na ang isyu sa citizenship nito.
Tinukoy ng grupo ang dalawang rulings noon ng Bureau of Immigration na nagpapatibay sa Filipino citizenship nito Sy.
Anila, paglabag sa fundamental principles ng due process ang pagkaka-aresto sa kanilang miyembro.
Nagbabala rin ang Philippine Nickel Industry Association na magdudulot ng maling signal sa business at investment community ang pagkaka-aresto kay Sy.
Ito ay dahil sa taliwas anila ito sa isinusulong ng Pilipinas na pagpapalakas sa tiwala ng ng investors sa mining industry.
Sa kabila nito, nanindigan ang grupo sa kanilang pagsuporta sa mining industry sa pagpapanatili ng transparency at pagrespeto sa rule of law.
Anila, ang pagprotekta sa karapatan ng mga lider ng kanilang industriya ay mahalaga sa pagpapatatag ng tiwala para makamit ang paglago sa pamumuhunan.
Nitong August 21 inaresto si Sy ng immigration authorities sa NAIA 3 matapos siyang dumating sa bansa mula sa Hong Kong.