Binigyang diin ng kataastaasang hukuman o Korte Suprema na hindi kasama sa kanilang pagpapatigil ng Temporary Restraining Order ang implementasyon ng No Contact Apprehension Program o NCAP sa mga lokal na pamahalaan.
Ito ang siyang nilinaw ng Korte Suprema matapos isapubliko ang desisyong binawi na ang naturang TRO na siyang nagpahinto sa pagpapatupad ng NCAP.
Ayon sa kasalukuyang tagapagsalita ng kataastaasang hukuman na si Atty. Camille Sue Mae Ting, ‘partially lifted’ lamang ang TRO at hindi saklaw ang pagsuspinde ng TRO sa NCAP ng Local Government Units.
Kung saan kinatigan ng Korte Suprema ang inihaing ‘urgent motion’ ng Metropolitan Manila Development Authority sa pamamagitan ng Solicitor General na ipatigil ang inisyung Temporary Restraining Order noon pang 2022.
“Yes, because if you remember the TRO that the court issued last August 30, 2022, yung TRO covers the MMDA resolution and the local city ordinances. SO the TRO here is only lifted with respect to the MMDA but it still remains with respect to the LGU ordinances,” ani Spokesperson Camille Sue Mae Ting ng Supreme Court.
Kaya’t dahil dito, maari ng ipatupad ang No Contact Apprehension Program ng MMDA matapos mapatigil na ng bahagya ang naturang TRO.
Ngunit ibinahagi pa ni Spokeperson Camille Sue Mae Ting na ito’y para lamang sa mga pangunahing kalsada o ‘major thoroughfare’.
Kabilang dito ang kahabaan ng kalsada ng Epifanio de los Santos Avenue o EDSA na nataon namang may nakatakdang isasagawang ‘rebuilding’ dito.
Dagdag pa rito’y inihayag din ng naturang tagapagsalita na ang implementasyon ng NCAP sa pamamagitan ng MMDA ay maari ng agarang ipatupad.